Dinepensahan ng aktres na si AJ Raval ang kanyang nobyo na si Aljur Abrenica matapos itong ma-bash dahil sa pagpasok nito sa politika.
Tatakbo kasing konsehal si Aljur sa Angeles City, Pampanga sa darating na eleksyon.
Puna ng isang netizen sa aktor: paano makakapagsilbi si Aljur sa mga tao gayong iniwan nito ang sarili niyang pamilya? Dagdag pa nito, wala na rin daw proyekto si Aljur sa showbiz kaya sa politika na lang ito sasabak.
Ngunit “kill them with kindness.” ang naging peg sa sagot ni AJ matapos niyang reply-an ang basher ng “I will pray for you” at “Godbless you and your Family.”
Ngunit giit ng netizen na hindi nito kailnagan ng dasal dahil baka mas kailanganin pa ito nila AJ at Aljur.
