Nurse, sinaksak ng pasyente dahil lamang sa isang biro

Binawian ng buhay ang isang babaeng nurse matapos itong saksakin ng pasyente dahil biniro itong hindi makakauwi.

Nangyari ang insidente sa isang pribadong ospital sa Tagbilaran, Bohol.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nasugatan rin ang isang utility worker na nagtangkang umawat sa suspek.

Napag-alaman kasing napikon ang suspek sa biro ng nurse na hindi raw ito makakalabas ng ospital kahit nakapagbayad na.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Dahil dito, pinagsasaksak ng suspek ang nurse gamit ang isang kutsilyo.

Sasampahan naman ng kasong murder at physical injury ang suspek na nasa kustodiya na ng Tagbilaran CPS.