Inaresto ng mga otoridad ang isang kasambahay sa India matapos na mahuling nilalagyan nito ng mapanghing secret ingredients ang pagkain ng kaniyang mga amo.
Ayon sa mga otoridad inireklamo ang kasambahay na si Rina ng kaniyang amo dahil sa pag-aakalang nilalason sila nito dahil lahat sila ay nagkakaproblema sa atay.

Ang mapanghing sekreto ng kasambahay ay nabuking nang palihim na nilagyan ng camera ng amo ni Rina ang kusina nila para ma-trace kung paano ito nagluluto. Sinabi ng mga otoridad na dito nila nabisto na nilalagyan ng ihi ang pagkaing inihahain ni Rina.
Itinangi naman ni Rina ang paratang pero natahimik siya nang ipanuod sa kaniya ang video. Hindi naman makapaniwala ang employer lalo’t walong taon na nilang taga luto si Rina.