5 arestado sa ‘rentangay’ modus sa QC

Arestado na ng pulisya ang limang indbidwal na umano’y nasa likod ng ‘rentangay modus’ sa Quezon City.

Nahuli ang mga suspek sa tangkang pagtakbo nito ng isang SUV.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa imbestigasyon, nagpakilala ang isa sa mga babaeng suspek bilang ahente ng car mortage sa biktima.

Napag-alaman din na may anim pa itong kasama kung saan nakatakas ang dalawa at patuloy pang pinaghahanap kasama ang natangay na sasakyan.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, nahuli naman ang limang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law.