Paglipad ni Mrs. Roque, kinumpirma na rin ng BI

Kinumpirma na rin ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na nga ng bansa ang misis ni dating presidential spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque.

Ayon sa BI, nakasibat na ito ng Pilipinas noon pang September 3.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Tugma ito sa unang isiniwalat ni QuadComm chair Rep. Robert Ace Barbers na nakalipad na ito paalis ng Piliinas, bago pa man i-isyu ang kaniyang arrest order.

Mababatid na noong nakaraang linggo, pina-cite in contempt ng House QuadComm si Mylah, at ipinag-utos na rin ang pag-aresto dito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Una na ring nilinaw ni Mrs. Roque na nagpunta ito sa Singapore para sa isang medical procedure.

Nananatili namang walang record ng pag-alis ng bansa si Atty. Harry Roque.