QuadComm – nanindigang ‘totoo’ ang reward system sa drug war ng nagdaang administrasyon

Talagang naganap ang reward system noong Duterte administration.

Ito ang pinagtibay ng mga key officials ng QuadComm, kasabay ng pagkakaroon ng mga ebidensya hinggil sa imbestigasyon sa extrajudicial killings.

Ayon sa mga ito, ang mga dokumento at testimonya mula sa kanilang pagsisiyasat ay nagpapakita ng malinaw na sitwasyon ng reward system ng mga pulis sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa isang joint statement, sinabi nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, Santa Rosa Rep. Dan Fernandez, at Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na pinagpupulungan nila ang mga naging pahayag ng mga kaalyado ni Duterte na sina Senador Ronald dela Rosa at Senador Bong Go na naninindigang hindi totoo ang reward system.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon Fernandez, ang naturang sistema ay hindi lang basta nag-exist, kung ‘di pinangasiwaan pa ng Malacañang o ng Duterte administration.