Magsasagawa ng masusing review ang Philippine National Police (PNP) sa mga “sensational cases” ng mga elected officials na nasawi sa kasagsagan ng war on drugs ng dating administrasyon.
Ang pahayag ay ginawa ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo matapos ang rebelasyon ni dating PLT Col Royina Garma sa pagdinig ng House Quad Committee.
Ayon kay Fajardo, titingnan nila ang mga cold case ng mga nasawing lokal na opisyal sa nakalipas na administrasyon.
Kasama sa titingnan nila ang kaso ng pagpatay kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili noong 2018.
Paliwanag nya, nasa proseso ngayon ang CIDG ng pag-imbestiga at pag-aaral sa kaso ni Halili pati na ang pagtukoy sa partisipasyon umano ng pulis na may apelyidong Albotra sa pagkamatay ni Halili.
Samantala, nilinaw naman ni Fajardo na may 1 aktibong Albotra na lang ang aktibo ngayon sa serbisyo at ito ay si Police Captain Kenneth Paul Albotra.
Sa ngayon, wala pa sa restrictive custody si Albotra.
Bibigyan naman sya ng PNP ng pagkakataon na magpaliwanag.