OVP, pinabulaanang tinanggap ng DSWD ang lahat ng kanilang request

‘Inaccurate and misleading.’

Ito ang naging paglalarawan ni Office of the Vice President director for operations Norman Baloro sa naging pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ina-accommodate ng ahensya ang lahat ng request na assistance mula sa OVP.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa inilabas na pahayag ni Baloro, sinabi nitong may mga pagkakataon na nade-decline ang OVP referrals, at may mga taong inire-refer ang OVP sa mga Regional Offices ng DSWD na hindi naaasikaso.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Kasabay nito, nanawagan siya para sa agarang aksyon ng ahensya para tugunan ang mga kakulangang ito, at magawa ang obligasyon ng pamahalaan upang makapagbigay ng tulong sa bawat mamamayang Pilipino.