Senador – iginiit na patuloy lang ang kanilang imbestigasyon hinggil sa Chinese spy allegation kay Guo

Wala na umanong nakikitang rason si Senador Win Gatchalian para bigyan pa ng ikatlong pagkakataon si Alice Guo na sumailalim sa executive session lalo na’t wala silang nakuhang bagong detalye sa nakaraang sesyon.

Ngunit sa kabila nito, ayon kay Gatchalian, target pa rin nilang ipagpatuloy ang imbestigayon hinggil sa alegasyon kay Guo na isa siyang Chinese spy.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Pero inamin ng senador na tiyak niyang magiging komplikado ang pagsagawa nito dahil wala sa bansa ang accuser na si She Zhijiang at mahirap na rin itong ma-access.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Hinikayat naman din niya ang intelligence at defense agencies na masinsinang pag-aralan ito bilang parte na ito ng malaking isyu na kinahaharap ng ibang bansa mula pa noon.