Ex-PRRD, wala raw isyu kay PBBM

Iginiit ni dating pangulong Rodrigo Duterte na wala silang hidwaan ni Pangulong Ferdinand “Bong-bong” Marcos Jr.

Sa gitna ito ng pag-amin mismo ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na ‘di naman pala sila tunay na magkaibigan ng running mate nito sa ‘UniTeam’ na si Pangulong Marcos.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa kabila nito, sinabi naman ni Duterte na mahalaga pa rin na may oposisyon sa isang demokratikong bansa.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Sa huli, binigyang-diin din niya na hindi siya bilib sa kasalukuyang administrasyon na mas nakatutok sa tulong sa mga tao sa halip na mga pangmatagalang proyekto tulad ng imprastraktura.