Isa pang pulis na isinasangkot sa Barayuga murder case, patuloy na pinaghahanap ng PNP

Patuloy na pinaghahanap ng Philippine National Police (PNP) ang isa pang pulis na isinasangkot sa Barayuga murder case.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, pinuntauhan ng mga tauhan ng CIDG ang bahay ni Sgt. Jeremy Causapin ngunit misis niya na lamang ang humarap at iniabot ang letter of resignation at isinurrender na rin ang kanyang issued firearm.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Sinabi ni Fajardo na malaki ang kinalaman ni Causapin sa kaso batay sa mga isiniwalat na impormasyon sa pagdinig ng Hosue Quad Committee.

Siya di umano ang nagbigay ng P300,000 sa police informant na si Nelson Mariano na isinasangkot din sa Barayuga murder.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nilinaw ni Fajardo na sa kabila ng resignation , hindi pa rin ito ligtas sa kanilang imbestigasyon.

Umapela rin ang opisyal kay Causapin na mas mabuting mapasailalim siya sa kanilang kustodiya at tiniyak na poproteksyunan siya ng Pambansang Pulisya.