NSC, kinondena ang marahas at iligal na aksyon ng China sa mga mangingisda ng Vietnam sa Paracel islands sa SCS

Patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang mapayapang pagresolba isyu sa south China sea.

Kasunod ito ng pagkondena ng National Security Council sa marahas at iligal na aksyon ng China sa mga mangingisda ng Vietnam sa Paracel islands nito lamang September 29.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sampung mangingisda ang nasugatan sa pag-atake na isa umanong nakakabahalang insidente na walang lugar sa international relations.

Sa ulat ng Vietnamese state media, nasa 40 Chinese law enforcers ang nanakit sa mga mangingisda gamit ang tubo. Sampu sa mga ito ang napuruhan.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sinabi ng Vietnamese foreign ministry na kinuha rin ng Chinese maritime authorities ang mga gamit pangisda ng mga ito.

Iginiit ng NSC na ang paggamit ng dahas laban sa mga sibilyang mangingisda ay malinaw na paglabag sa international law, partikular na sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.