Labanan ng maghipag – Campos vs Nancy sa Makati

Pormal nang naghain ng kanyang COC sa pagka-alkalde ng Makati City si Congressman Luis Campos.

Kasama ni Campos ang kanyang running mate na si Makati 1st District representative Kid Peña at kanilang mga kapartido sa ilalim ng Team United.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Bukod sa mga ito, kasama ring maghain ni Campos ang asawa niyang si Incumbent Makati Mayor Abby Binay at anak nilang si Martina.

Makakalaban ni Campos ang kapatid ni Mayor Abby na si Senator Nancy.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Sa ambush interview, sinabi ni Campos na prayodidad niya na ipagpatuloy ang nasimulan ng kanyang asawa para sa Makatizens.

Nang tanungin si Campos kung ano ang advantage nito laban kay Senator Nancy sinagot ito ni Mayor Abby at sinabi niyang siya ang advantage ng kanyang asawa.