Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro na nagsisilbi anyang ikalawang magulang ng mga bata.
Maging ang malaking ambag ng mga guro, hindi lang sa panahon ng halalan kundi pati sa paghubog ng susunod na henerasyon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, iba’t ibang mga polisiya reporma ang ipinatupad ng kanyang administrasyon.
Kabilang dito ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, na nagbibigay ng dagdag na allowance, insurance, at hardship allowances para sa mga pampublikong guro.
Kasabay nito, isinusulong ng administrasyon ang mga hakbang para sa pag-unlad ng kanilang kakayahan sa pamamagitan ng mga propesyonal na pagsasanay upang makasabay sa pandaigdigang pamantayan.