Isa ang kaso ng human trafficking sa mga posibleng mapag-usapan sa back-to-back 44th at 45th ASEAN Summit sa Lao People’s Democratic Republic.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Asec. Daniel Espiritu, ang human trafficking ang common concern ng ASEAN, dahil hindi lamang ito nakakaapekto sa Pilipinas kundi pati na rin sa maraming miyembro nito.
Sa katunayan anya, may ilang mga human trafficking victim din na dinadala sa Pilipinas mula sa ibang bansa lalo na sa mainland Southeast Asia, dahil mayroon ring counterparts ng POGO sa ibang ASEAN countries.
Kaya naman aktibo ring nakikipag tulungan ang Pilipinas sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Mababatid na maliban sa Pilipinas, talamak din ang human trafficking sa Myanmar, Cambodia, Thailand at iba pang bansa sa Southeast Asia.