WPS issue – tatalakayin sa ASEAN Summit

Byaheng Vientiane, Lao’s People’s Democratic Republic si Pangulong Bongbong Marcos sa darating na October 8-11 para dumalo sa 44th and 45th ASEAN Summit and Related Summit.

Sa pre-departure briefing kanina sa Palasyo ng Malacañang, inilatag ni Department of Foreign Affairs Asec. Daniel Espiritu ang magiging schedule ng Pangulo sa tatlong araw na ASEAN summit.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa pagdating ng Pangulo sa Laos, ay una nitong bibisitahin ang Filipino community.

Saka susundan ng kaliwa’t kanang mga leader’s led engagement, kung saan inaasahang matatalakay ang regional, international, at geopolitical issues.

Ayon pa kay Espiritu, malaki ang posibilidad na muling bubuksan ni Pangulong Marcos ang usapin ng West Philippine Sea sa naturang summit.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Magkakaroon din ang Pangulo ng bilateral meeting kasama ang ilang leader ng ibang bansa kabilang ang Canada, New Zealand, at Vietnam.

At hindi rin mawawala ang pakikipag pulong ng Pangulo sa mga business leaders ng Laos.