Co-accused ni Alice Guo sa kasong Qualified Trafficking, nailipat na sa Pasig City Jail

Nailipat na sa Pasig City Jail Male Dormitory ang co-accused ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na si Walter Wong Long.

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, alas-onse ng umaga kahapon nang mailipat sa Pasig City Jail Male Dormitory si Long mula sa Tarlac Provincial Jail.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Si Long na isang Malaysian national ay kabilang sa naaresto ng mga awtoridad sa illegal POGO hub sa Bamban, Tarlac

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Kasama rin niyang nailipat ang 7 pang Persons Deprived of Liberty na may kinakaharap din parehong kaso.