Mayroon nang magandang lead na sinusundan ang Philippine National Police (PNP) sa mga suspek na sangkot sa pagpatay kay Bulacan – Liga ng mga Bgy President at ex-officio board member Ramilito Capistrano at driver nito.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mahigit sa isa ang suspek na tinitingnan ngayon ng PNP sa pagpatay.
Lahat na rin ng anggulo ay tinitingnan ngayon ng PNP kabilang ang pagiging board member nito , personal grudge o kaya naman ay may kinalaman sa kanyang negosyo.
May Special Investigation Task Group “Capistrano” nang binuo para tutukan ang pagresolba sa kaso.