Death penalty – pinabubuhay ni Sen. Bato

Ipinangako ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya para sa public order at national defense and security kung sakaling manalo siya sa paparating na halalan.

Kasunod nito, kung mailuklok muli siya, target umano niyang buhayin ang death penalty para sa mga high level drug traffickers.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Anya, bagamat mahirap itong mapaaprubahan ay ipaglalaban niya ito sa susunod na Kongreso kung siya ay swertehin.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag pa niya, handa rin umano siyang isugal ang kanyang buhay, career at personal life para rito.

Samantala, isa pa sa nais niyang matutukan kung manalo siya ay ang pagsasabatas sa Mandatory Reserve Officers’ Training Corp.