Umano’y karelasyon ni Guo na si Mayor Calugay – nag-file ng COC

Target ni Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay na mahalal muli bilang alkalde ng Bayan.

Ngayong araw – nagfile siya ng kaniyang certificate of candidacy.

Kung maaalala – si Calugay ang sinasabing ‘di umano’y ‘karelasyon’ ni dismissed Bamban mayor Alice Guo.

Read More:  Off-duty Coast Guard rescues fisherman in rough seas in Antique

Sa mga nagdaang pagdinig – inisa-isa ang mga larawan nila ni Guo na tila ba’y naka-couple shirt.

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

Mayroon ding mga negosyo na parang pinagsamang pangalan nila gaya ng ‘DongGuo’ fish farm.

Sa kabila nito, nanindigan sina Calugay at Guo na wala silang relasyon, at kapwa wala silang kinalaman sa iligal na POGO.