Guo, Atty. Galicia, at iba pa – kinasuhan ng NBI

Mahaharap na naman sa panibagong kaso si dimissed Bamban mayor Alice Guo.

Naghain ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Guo, pati na rin sa abugado nitong si Atty. Elmer Galicia, at iba pa.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Hinggil ito sa ‘di umano’y pagsisinungaling noon na nasa bansa pa raw si Guo kahit na nakapuslit na ito.

Maaalalang sinabi ni Galicia noon na personal pa niyang nakita si Guo para sa notarized counter-affidavit, pero naka-alis na pala siya ng Pilipinas.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Kahaharapin nila ang mga kasong perjury, obstruction of justice, pati na rin ang falsification by a notary public at paggamit ng pekeng dokumento.