Tony Yang, hindi muna ipade-deport

Kahit na inamin ni Tony Yang sa pagdinig ng senado na isa siyang chinese at may mga negosyo sa Pilipinas hindi agad ito ipadedeport ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Bagama’t mas madali nang ipadeport si Yang pabalik ng China wala daw mareresolbang problema kaya dapat maparusahan ito.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sinabi naman ni DOJ USEC Nicholas Felix Ty, ang totoong pakay ni Yang ay makaalis na ng Pilipinas bago ito mahuli ng BI at PAOCC sa bisa ng mission order.

Sa ngayon ay inuusisa na ng NBI at mga piskal ng Region 10 kung anong mga minor cases ang pwedeng isampa kay Yang para may dahilang manatili ito sa bansa at harapin ang mga kasong criminal nito tulad ng falsification at use of illegal alias.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Bukod dito, may mas malaking imbestigasyon pang isasagawa ang gobyerno laban kay Yang para mausisa ang iba’t ibang negosyo nito.

Dito raw makikita kung ano pa ang mabibigat na krimen ang kinasasangkutan ni Yang.