Sen. Dela Rosa – nanawagan kay Mabilog na pangalanan ang heneral na nagbabala sa kanya

Itinanggi ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na may plano sila noon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na utusan si dating Iloilo City Mayor Jed Mabilog na ituro sina dating senador Frank Drilon at Mar Roxas bilang drug lords.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Base ito sa naging kwento ni Mabilog sa pagdinig ng Kamara nitong nakaraang araw.

Dagdag pa ni Mabilog, mayroon umanong isang heneral ang tumawag sa kanya at nagbabala na huwag ng pumunta sa Kampo Krame dahil may mangyayaring masama sa kanya.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Pero ayon kay Bato, pangalanan niya ang naturang heneral para lumabas ang katotohanan.