Binigyang-diin ni Senadora Risa Hontiveros na nararapat lang na mapagbayaran ni Alice Guo a.k.a. Guo Hua Ping ang kanyang mga ginawang paglabag sa Pilipinas.
Ito ang kanyang naging pahayag matapos maglabas ng warrant of arrest ng Pasig Regional Trial Court kay Guo at sa labing-apat pa nitong kasama dahil sa kasong human trafficking.
Ayon sa senadora, maituturing din na panimula at malaking panalo ito ng mga biktima ng human trafficking.
Kasunod nito, para sa huling POGO hearing ng kanyang komite sa Martes, nanawagan ang senadora kay Guo na gamitin ang pagkakataon na ito upang sabihin ang buong katotohanan sa likod nito.