Bagyo, Habagat death toll: 25

Lumobo pa sa 25 ang bilang ng mga napaulat na nasawi dahil sa magkakasunod na bagyong Ferdie,Gener, Helen at ng pinalakas nitong habagat.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 10 na ang nasawi sa MIMAROPA; lima mula sa Region VI o Western Visayas; apat sa Region IX o Zamboanga Peninsula at BARMM; at dalawa sa Region VII o Central Visayas.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Samantala, 13 naman ang napaulat na nasaktan habang nabawasan na ang bilang ng napaulat na missing o nawawala.

Umabot na sa 1.4 milyong mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Mayroon pang 23,512 o katumbas ng halos 6 na libong pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

Ayon sa NDRRMC, mayroon ng 43.2 million na halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.