Naarestong kapatid ni Michael Yang na si Yang Jian Xin, pinaniniwalaang papaalis ng bansa bago ito mahuli

Naniniwala si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) executive director Gilbert Cruz na ang kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang ay papaalis ng bansa bago ito maaresto kahapon.

Ayon kay Cruz, maraming dalang pera si Yang Jian Xin, at aabot sa P1.4M ang dala nito na nasa foreign currencies pa.

Read More:  Banga shooter planned attack since August, told friends to go home

May mga dala rin umano itong gamit nang mahuli sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dahil sa pagiging undesirable alien.

Read More:  House summons Zuckerberg over social media safety

Maliban sa mga ito, bitbit din aniya ni Yang Jian Xin ang kanyang Chinese passport.

Kaugnay niyan, binigyang-diin ni Cruz na palagay niya ay lalabas ito ng bansa.

Hindi lang umano nila masigurado kung talagang tatakas na ito.