Hindi natuloy ang arraignment sa kaso laban kay dismissed Bamban mayor Alice Guo sa Valenzuela RTC ngayong hapon.
May nakabinbin pa kasing motion to quash ang defense camp hinggil sa graft case.
Inaantabayanan naman ang paglalak ng piyansang P540,000 para sa naturang kaso.
Hinihingan ng Korte ng position paper ang kampo ni Guo.
Itutuloy ang arraignment sa September 30.
12:35 ng tanghali nang dumating ang kampo ni Guo sa Korte.
Sa isang ambush interview bago ang arraignment, sinabi ng kaniyang abugado na si Atty. Stephen David na maghahain sana sila ng ‘not guilty’ plea para sa naturang kaso.
Samantala, tiniyak naman ng Bureua of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi mabibigyan ng special treatment si Guo.
Kasunod naman ito ng arrest order ng Pasig RTC para sa kasong human trafficking laban sa dating alkalde.
Sa ilalim ng order, pinalilipat si Guo sa Pasig City Jail female dormitory, mula sa detention nito sa Kampo Crame.
Sabi ng BJMP – pantay ang magiging trato kay Guo, kagaya ng ilang mga PDLs.
Ibig-sabihin, ilalagay siya sa pasilidad na congested.