Mga tinamaan ng dengue at leptospirosis, may benepisyo sa PhilHealth

Ngayong maulan at laganap ang mga sakit gaya ng dengue at leptospirosis, nagpaalala ang Philhealth na sakop ng kanilang benepisyo ang pagpapagamot para sa mga naturang sakit.

P13,000 ang maaring makuha ng mga pasyenteng may dengue fever habang ang mga may severe dengue hemorrhagic fever o yung mas malalang uri ay maaaring makatanggap ng P16,000.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Mahigit P14,000 naman ang sasagutin ng Philhealth sa mga maoospital dahil sa leptospirosis.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa datos ng Department of Health, mahigit 200,000 na ang nagkadengue sa bansa ngayong taon habang mahigit 2000 naman ang nagka leptospirosis mula nitong Enero hanggang Hulyo.