Lara Quigaman, na-ospital dahil sa acute kidney infection

Pinasalamatan ng aktres na si Lara Quigaman ang mga nagdasal para sa kaniyang kalusugan matapos siyang ma-diagnose na may acute kidney infection.

Sa Instagram stories ni Lara ay makikita ang kaniyang selfie habang nakahiga sa isang hospital bed.

Sinabi niya sa caption ng kaniyang post, “Nakapag-selfie na ako dito kasi pinayagan na ako umuwi ng doctor. Acute pyelonephritis. I was given antibiotics via IV. Now getting better. Thank You, Jesus!”

Read More:  Cianne Dominguez faces backlash from Jeo Ong’s fans over remark on PBB livestream

Ibinahagi naman ng aktres na nagsimula ang kaniyang karamdaman matapos ang bakasyon nila ng kaniyang mister na si Marco Alcaraz sa Cebu kasama ang kanilang mga anak.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Kinailangan aniya siyang maisugod sa ospital matapos ang kanilang dalawang araw na bakasyon dahil sa naramdaman niyang lagnat, chills, matinding pagod, at pananakit ng likod.

Mababatid na ginawa nila ang bakasyon sa Cebu para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Marco at ng kanilang wedding anniversary.