DILG: ‘Victory’ ang pagtag sa NDF bilang terror group

Tinawag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang tagumpay para sa gobyerno ang designation sa National Democratic Front (NDF) bilang terror group.

Kaugnay nito, welcome kay DILG Secretary Eduardo Año ang naturang hakbang ng Anti-Terrorism Council (ATC), at sinabing ang NDF ay exposed bilang bahagi ng Communist Party of the Philippines.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Ayon kay Año, matagal nang nagpapanggap ang NDF bilang legal, above ground organization na nakiisa sa peace talks noon ng gobyerno.

Pero dagdag ng kalihim, sekretong nakikipagtulungan ang NDF sa CPP-NPA at iba pang underground mass organizations para isabotahe ang peace talks, patalsikin ang gobyerno at suportahan ang bigong ’people’s democratic revolution’ ng CPP-NPA.

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Nabatid na sa gitna nito, naglabas rin ang Anti-Money Laundering Council ng freeze order laban sa ari-arian, pondo at iba pang accounts na konektado sa NDF. // MHEL PACIA-TRINIDAD