PCG, magsasagawa na rin ng inspeksyon sa mga yate at iba pang non-common carrier kasunod ng pagpuslit ni Alice Guo sa bansa

Kinakailangan nang dumaan sa pre-departure inspection ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga yate at iba pang non-common carrier.

Kasunod ito ng pagpuslit ng bansa ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isinawalat na sumakay siya sa isang yate bago lumipat sa mas malaking barko patungong Malaysia.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon kay PCG Commandmant Adm. Ronnie Gavan, kasalukuyan na nilang nirerepaso ang memorandum circular hinggil sa usaping ito.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Nakatakdang matapos ang revision ng patakaran sa Oktubre, habang nakikipagugnayan na rin sila ngayon sa Maritime Industry Authority.