Magkakaroon na ng direct flight ngayong taon ang Pilipinas at Paris, France
Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista na magkakaroon na ng non-stop flights mula sa Ninoy Aquino International Airport hanggang sa Paris at vice versa.
Ibinahagi naman ni Air France KLM for Southeast Asia and Oceania General Manager Femke Kroese na magsisimula ang Manila-Paris flight sa December 8.
Sinabi naman ni French Ambassador Marie Fontanel na dahil sa direct flights ay inaasahang mapalalakas pa ang kalakalan, investments, turismo, at iba pang ugnayan ng pilipinas at france, at maituturing na rin itong christmas present.
Ang presyo ng roundtrip economy fare ay maglalaro sa 1,258 US dollars o mahigit 70 thousand pesos.