Siphoning operation sa MT Terranova, muling sinuspinde ngayong araw

Hindi pa rin ipinagpatuloy ngauong araw ang siphoning operations sa natitirang langis sa lumubog na MTKR Terranova sa Limay, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard , ito’y upang maiwasan ang posibleng pagtagas ng langis dulot ng malalakas na alon dulot ng masamang panahon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, nagpapatuloy naman sa paglilipat ng kinontratang salvor sa oil waste na nakuha sa barko.

Ikinakarga ito sa isang truck at dadalhin sa treatment facility sa Marilao, Bulacan.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Hanggang kaninang 10:30 ng umaga, nakapaglipat na ng mahigit 402,000 liters ng recovered oily waste.

Batay sa ulat ng Incident command Post, humigit-kumulang 1,218,000 liters ng kabuuang 1,254,889.58 liters ng recovered oil waste noong September 1 ang naihatid na sa Marilao treatment facility.