Pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa isyu ni Alice Guo, inaasahang matapos sa loob ng tatlo pang hearing

Pinaplano na ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na matapos na sa loob ng dalawa hanggang tatlong hearing ang imbestigasyon kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay kasunod ng pagkaaresto kay Guo sa Indonesia.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ayon kay Committee Chair Senadora Risa Hontiveros, mayroon pang pending issues na kailangang matalakay.

Ilan aniya rito ay ang mismong pagharap at pagsagot ng dating alkalde sa pagdinig; pagtatanong sa ilan pang mga personalidad na lumitaw ang pangalan, at konektado sa POGOs; at ang isyu ng Pharmally.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Samantala, sinabi rin ni Hontiveros na maaaring hindi pa rin si Guo ang pinakamataas at pinakamalaking personalidad sa likod ng ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.

Ito umano ang bagay na target tumbukin ng komite bilang bahagi ng pagra-wrap-up ng kabuuang apat na taon na imbestigasyon sa POGOs.