Handa na ang Senado sa nalalapit na detention ni Alice Guo.
Ito ang sinabi ni Senate Sergeant-at-arms Roberto Ancan kasabay ng inaasahang pagdadala kay Guo sa Senado matapos dumaan sa proseso ng National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Immgiration (BI).
Sinabi ni Ancan na maaaring pagsamahin sina Alice at Shiela Guo, dahil parehas ang mga itong babae.
Una na rin naman daw nilang inihanda ang pasilidad para sa buong pamilya nina Guo.
Ayon naman kay Senate Pres. Francis “Chiz” Escudero, automatic na pagsasamahin sa detention room sina Alice at Shiela dahil iisa lang naman talaga ang naturang silid.
Nabanggit din ni Escudero na papahintulutan nila ang mga ito na gumamit ng cellphone o gadget.