Patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang mga biyahero sa mga paliparan kasabay ng mga naitatalang kaso ng mpox sa Pilipinas.
Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo, para sa mga papasok ng bansa, mayroong etravel app kung saan naririto ang health declaration form ng isang indibidwal.
Kaugnay niyan, binigyang-diin niya na dapat maging totoo ang mga travelers sa pagsagot ng naturang form na naglalaman ng mga tanon, sakit, at sintomas.
Pagtitiyak naman nito sa mga biyahero na ang pagiging honest sa pagsagot ay hindi nangangahulugang sila ay mapapahiya o maparurusahan.
Kapag pinili aniya ang sintomas ng mpox sa health declaration form, lalapitan lang sila nang kalmado, tahimik, at papupuntahin sa secondary inspection.