Mga isda at iba pang lamang-dagat mula sa 5 coastal areas sa Cavite, ligtas nang kainin – BFAR

Magandang balita dahil ligtas na ngang kainin ang mga isda at iba pang mga lamang-dagat mula sa limang coastal areas sa Cavite.

Batay sa pinakahuling pagsusuri ng BFAR noong August 27, lahat ng sample ng isda, crustaceans, cephalopods, at shellfish na nakolekta mula sa mga bayan ng Bacoor City, Cavite City, Noveleta, Rosario, at Tanza ay pumasa sa ikatlong sunod-sunod na round ng sensory evaluation.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Matapos kase ang nangyaring oil spill sa Limay, Bataan noong July 25, ay sunod sunod na ang monitoring at pagsusuri na isinagawa ng ahensya upang matiyak nga ang kaligtasan ng mga isda at iba pang yamang-dagat mula sa mga coastal areas sa paligid ng Manila Bay.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Una nang idineklarang ligtas para ikonsumo ng mga tao ang mga isda at iba pang yamang-dagat sa mga probinsya ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, at Metro Manila, gayundin sa mga bayan ng Naic, Ternate, Kawit, at Maragondon sa lalawigan ng Cavite.