Alice Guo at 35 iba pa sinampahan ng kasong money laudering sa DOJ

Walumput pitong bilang na kaso ng money laundering ang isinampa ng magkakasanib na pwersa ng National Bureau of Investigation, Anti-Money LauNdering Council at Presidential Anti-Organized Crime Commission laban kay Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at 35 iba pa sa Department of Justice.

Read More:  Torre takes one-month leave amid EDSA busway controversy

Sa nasabing kaso, nakapaloob ang pitong bilyong piso na assets kaugnay ng scam farm operatios sa Central Luzon.

Bukod kay Alice Guo, kasama din sa kinasuhan sina Cassadra Li Ong at Shiela Guo na sinasabing kapatid ni Alice Guo.

Read More:  Malacañang hits back at VP sara’s ‘drama’ remark on Romualdez arrest

Ayon sa AMLC ang pagsasampa ng money laudering case ay hakbang ng pamahalaan na naglalayon upang wakasan ang “financial crime” sa bansa at mabigyan ng proteksyon at integridad ang Philippine Financial System.