PH at Vietnam, nagkasundong palalimin ang kooperasyon sa HADR at Sea Military Medicine

Nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na mas palalimin pa ang kooperasyon sa larangan ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief at Sea Military Medicine.

Kahapon, matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. at Viet Nam Minister of National Defence General Phan Van Giang , lumagda ang dalawang opisyal sa letters of intent na naglalayong pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa pagharap sa natural disasters.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Samantala , kinilala rin sa LOI ang mahalagang papel ng militar sa cross-border public health surveillance at prevention ng disease outbreaks.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Naghayag din ng interes ang dalawang bansa na mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagtugon nito pamamagitan ng joint research, innovations, at pagpapalitan ng best practices.

Samantala, binigyan-diiin ng Pilipinas at Vietnam ang pangangailangan na malutas ang anumang hidwaan partikular sa West Philippipne Sea sa mapayapang paraan at naaayon sa batas.