Defense Minister ng Vietnam – nakipagpulong kay PBBM

Malugod na tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga sa loob ng Palasyo ng Malacañang ang Defense Minister ng Vietnam na si Phan Van Giang.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Ayon sa Pangulo, maituturing na mahalagang punto sa kasaysayan ng Pilipinas at Vietnam ang pagbisitang ito ni Giang.

Dagdag pa ng Presidente, kung dati rati aniya ay nakatuon lamang sa ugnayang diplomatiko ang relasyon ng dalawang bansa, ngayon ay kasama na ang kooperasyon sa depensa at seguridad.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

At pangalawa ang ugnayan sa larangan ng kalakalan.