Comelec, pinalawig pa ang deadline ng paghahain ng counter-affidavit ni Guo

Pinagbigyan ng Commission on Election ang hiling ng kampo ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na palawigin pa ang deadline ng paghahain nito ng counter-affidavit kaugnay sa reklamong mispresentation.

Hanggang sa September 1 na lang ang ibinigay na palugid ng Comelec upang maghain ng kontra salaysay ang kampo ni Guo.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, awtomatiko nilang iginagawad sa requesting party ang extension gaya ng inihaing petisyon ng kampo ni Guo.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Sinabi pa ni Garcia na ito na ang huling beses na pagbibigyan nila ang kampo ng dating alkalde.

Sakaling maghain na ng counter-affidavit ay kailangang patunayan ng kampo ni Guo na lehitimo at pirmado ito ng pinatalsik na alkalde.