Japan, kinondena ang illegal na pagpasok ng eroplano ng China sa kanilang airspace

Kinondena ng Japan ang ilegal na pagpasok ng People’s Liberation Army Air force sa loob ng kanilang teritoryo.

Ayon sa Japan, ang Y-9 reconnnaissance plane ay lumipad sa silangang bahagi ng Danjo island at mabilis na nagtungo sa timog at tumawid sa territorial airspace.

Read More:  One killed, eight injured in attack on Saudi Arabia’s King Fahd airport

Dahil sa insidente ay nagkumahog ang mga Air Self-Defense Force fighter jets ng Japan para palayasin ang nakitang Chinese plane.

Read More:  Pope Leo XIV needs no further cancer treatment after lung surgery

Pinagpapaliwanag naman ng mga otoridad ang Chinese Embassador ng Japan na si Shi Yong sa nangyaring ilegal umanong pagpasok ng Chinese Air force.

Ito ang unang pagkakataon na inakusahan ng Japan ang China na ilegal na pumasok sa kanilang airpace.