Zipline sa Seven Falls, balik-operasyon na

Naniniguro ang mga otoridad ng Lake Sebu, South Cotabato na dodoblehin ang pagbabantay sa zipline ng Seven Falls matapo ito pahintulutang magbalik operasyon.

Ito ay batay sa advisory ng South Cotabato Economic Enterprise Management Office pagkatapos nang ipinatupad na temporary closure simula noong Agosto 19 upang bigyang daan ang construction ng Landing 1 at Rig 2 malapit sa falls no. 5.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon sa SCEEMO, natapos na ang lahat ng mga safety checks at maintenance dito upang masiguro ang kaligtasan ng mga bisita.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, inihayag ni Provincial Engineer Lloyd Esparagosa na may inilaang P10million para sa Seven Falls Tourism Project partikular sa Improvement ng Seven Falls at Zipline Area – Landscaping, Rehabilitation at Construction of Structures.

Ang naturang mga proyekto ay inaasahang makakapaghikayat pa ng mas maraming mga turista.