Kampo ni Cassandra, kumpiyansang maa-absuwelto ito

Idiniin ng kampo ni Cassandra Li Ong na kuwestyonable ang pag-aresto’t deportation sa kaniya pabalik ng Pilipinas.

Sa isang panayam, muling idiniin ni Atty. Ferdinand Topacio na wala namagn sapat na kasong isinampa sa korte at wala ring na-issue na warrant.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Ibig-sabihin, ‘palusot’ lang daw ang pag-detain sa kaniya sa National Bureua of Investigation (NBI).

Sabi ni Topacio, tanging ang warrant lang mula sa Kamara ang mayroon nang ikustodiya ito ng NBI.

Dahil dito, sinabi ni Topacio na ‘in high spirits’ sila ni Ong dahil kumpiyansa silang inosenta ang kaniyang kampo.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Matatandaaang si Ong ay iniuugnay sa Lucky South 99 POGO hub sa Porac, Pampanga.

Sabay silang pinabalik dito sa bansa, kasama ng kapatid ni Alice Guo na si Shiela.