Senado, handa nang tanggapin sina Shiela at Cassandra sa paparating na pagdinig sa Martes

Tiniyak ng Senado na handa na silang tanggapin ang kapatid ni Alice Leal Guo na si Sheila Guo at ang incorporator ng Lucky South 99 na si Cassandra Li Ong.

Kasunod ito sa gagawing pagdinig sa darating na Martes hinggil sa naging pag-exit ni Guo sa bansa sa kabila ng oustanding warrant of arrest laban sa kanya.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ang gagawing imbestigasyon ay papangunahan ng Senate Committee on Justice and Human Rights at susuportahan ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality at maging Senate Committee on Public Services.

Ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Roberto Ancan, tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na dadalo ang dalawa sa gagawing pagdinig at ite-turnover ito sa Senado pagkatapos ng kanilang inquest proceedings.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Ayon kay Senate Spokesperson, Atty. Arnel Bañas ang gagawing pagdinig ay magsisilbing oportunidad kina Shiela at Cassandra na makapagbigay ng kanilang pahayag hinggil sa imbestigasyon.