Idiniin ni Senadora Risa Hontiveros na peke ang isang post sa X kung saan ay makikitang magkasama sila ni dismissed mayor Alice Guo.
Sabi ng Senador, peke raw ito at wala siyang kaibigan na ‘pekeng’ Pilipino.
Nanawagan naman siya sa mga social media platforms na i-moderate ang mga AI content.
Nangako rin si Hontiveros na aalamin nila kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat nito.
Kalaunan, humingi naman ng paumanhin ang X user na si Ryan Lingo.
Aniya, na-delete niya na ang post.
Sabi ni Lingo, bagamat galit at hindi niya gusto ang Senadora, maga-apologize pa rin daw siya para sa pagshe-share ng naturang AI photo.