2 angkas, nasawi magbangaan ang sinasakyang motorsiklo

Patay ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Davao-Cotabato road Sitio Power, Tres De Mayo, Digos City alas-4:20 Martes ng hapon, Agosto 20, 2024.

Kinilala ang mga biktima na sina Carlito Capuyan, 58-anyos mula sa Purok Durian St., Lipantod, Sta. Crus at isang hindi kilalang lalaki.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Sa ulat ng Digos City Police Station, habang sakay ng  FU150 motorcycle ang dalawang biktima na minamaneho ni Lendon Cañones, 35-anyos na taga Porras Palma Gils St., Bo. Obrero Davao City, pagdating sa lugar, biglang nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Cañones.

Bumangga sa concrete barrier at tumilapon ang mga sakay kung saan ang dalawa ay nagtamo ng malubhang mga sugat sa kanilang mga ulo.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Isinugod sa ospital ang tatlong biktima ngunit  idineklara ng attending physician na dead on arrival ang dalawang sakay.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng motorsiklo na pakiwari nilay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin.