Libreng “want to sawa” durian, alok ng isang farm

Gustong kumain ng Durian ngunit tight sa budget? Teka Teka sagot ka na ng isang farm sa Barangay Bagong Silang, Makilala, Cotabato.

Dahil nag-aalok sila ng want to sawa durian, walang babayaran at tanging dadalhin mo lang pangbiyak at syempre pamasahe papunta sa kanilang farm.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Libre kahit ilang piraso pa bastat kayang ubusin at kaya mukbangin.

Ngunit may pakiusap ang may-ari, bawal maghakot o magdala at kailangang ipunin ang mga buto para ibalik sa may-ari.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Para sa ibang naka-avail ng libreng durian, paalala nila magdahan-dahan lalo na sa may mga alta presyon.