SP Escudero – ipinanawagan ang pagkakaroon ng general aviation terminal sa gitna ng naging pagtakas ni Guo sa bansa

Matagal na umanong hinihingi ni Senate President Chiz Escudero sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) ang pagkakaroon ng general aviation terminal sa mga paliparan.

Pagpapaliwanag niya, sa pamamagitan nito ay hindi lang basta basta makakapasok at makakalabas ang mga pribadong eroplano mula sa bansa tulad ng pinaniniwalaang nangyari sa kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kasunod nito, muli siyang nanawagan at umaasa na magagawa ito ng San Miguel Corporation (SMC) sa kanilang pagpasok sa aviation industry sa darating na Setyembre.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Matatandaan, ayon sa mga ulat, sinasabing nakalipad na sa Malaysia at Singapore si Guo nitong Hulyo habang ang isang abogado naman mula sa San Jose Del Monte ang nagsasabing nakita niya pa ito nitong nakaraang linggo.