Pagli-limit ng mare-register na SIM Card kada tao – ipinapanukala ng ilang Senador

Aminado si Senador Sherwin Gatchalian na dismaydo siya sa National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa pag-regulate ng SIM cards.

Ito ay kasunod ng mga kahon-kahong SIM cards na nakuha sa mga ni-raid na POGOs.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gatchalian, sinabi nitong tila hindi naman naipatutupad nang maayos ang batas hinggil dito, at may butas din itong hindi natalakay.

Dahil dito, isa sa target umano nilang amyendahan ay ang paglimita sa pagbili ng SIM cards.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sakaling higit pa sa sampu ang bilhin, dapat na umano itong irehistrong ginagamit para sa negosyo.

Sa paraang ito, masisilip din aniya ang pagiging lehitimo ng negosyo.